Ang imahen ni Santa Veronica ay minana ni Dominga Omaña, ang naging kabiyak ni Baldomero Perez. Mula noon, ang mag-asawang ito ang nagtataguyod sa paglalabas ng imahen tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Nang pumanaw ang mag-asawa, natigil ang paglalabas sa imahen at ito’y tumagal ng humigit-kumulang sa apat na taon. Muling naisama sa prusisyon si Santa Veronica nang maikasal ang isa sa mga anak nina Baldomero at Dominga, si Lino Perez, kay Lumen Javier noong Mayo 1929.
Ang mag-asawang Lino at Lumen ang nagpatuloy sa paglalabas ng imahen. Noon, andas ang pinaglalagyan ng imahen, at ito’y naiilawan ng mga kandilang nasa mga viriña. Ang mga bumubuhat sa andas ay ang mga kaibigan at kalaro sa “basketball” ni Lino na sina Loge (taga-Ibaba o Baryo San Roque), Yayong Jacinto at Totoy Garcia (taga-Baryo Dayap), Perocle, Victorino Buisa, Dionisio “Doneng” Cruz at Paulino “Poleng” Mariano (taga-Bayan). Ang mga ito’y halinhinan sa pagpapasan ng andas. Ang asawa’t mga anak naman ni Lino ay naghahanda ng inumin para sa mga bumubuhat na ibinibigay pagsapit ng prusisyon sa panulukan ng daang J. Buenviaje at M.L.Quezon. Nagpatuloy ang paglalabas ng imahen hanggang sa sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941.
Taong 1942, ang bayan ng Cainta ay sinunog ng mga sundalong Hapon. Kabilang sa mga nasunog ang tahanan ng mga Perez sa daang Buenviaje. Lumikas ang mag-anak kasama ang imahen patungong Santolan, Pasig, na kung saan sila’y namalagi sa loob ng dalawang taon. Pagkalipas ng digmaan, bumalik sa Cainta ang mag-anak nina Lino at Lumen noong 1945. Pinagsumikapan nilang mailabas muli ang imahen pagsapit ng Mahal na Araw. Sa tulong ng pinsan ni Linong si Dra. Brigida “Binday” Omaña, nahingi ang isang karo mula sa angkan ng mga San Juan (taga-Ibayo).
Ang paglabas taun-taon ni Santa Veronica ay pinagtutulung-tulungan ni Lumen at ng mga nabubuhay pa niyang anak (sina Lolita, Leticia, Lino Jr., Lorando, Lydia, Lamberto, Liwanag, Lilia, Leila, Lorna at Luzviminda), kasama ang kanyang mga apo. Isa itong pagkakataon para sa angkan ng Perez na magkatipun-tipon. Bukod sa mga magkakamag-anak, nagkikita-kita rin ang mga namamanata (humihila o tumutulak sa karo). Ang mga kagawiang isinasagawa kaugnay ng paglabas ng santo ay ang mga sumusunod: pabasa tuwing Huwebes Santo, pamimigay ng pasadyang t-shirt, at paghahandog ng caridad sa mga kamag-anak at namamanata. Ang paghahanda sa imahen ay pinangangasiwaan ng isa sa mga apo ni Lumen, si Michael delos Reyes.
Ang imahen ni Santa Veronica ay makikitang may hawak na birang na kung saan ay nakalarawan ang naghihirap na mukha ng Panginoon. Sa Miyerkules Santo, isang mukha pa lang ang nasa birang. Pagsapit ng Biyernes Santo, hawak na ang birang na may tatlong mukha. Inilalarawan nito ang unti-unting paglalahad ng birang na may tatlong mukha ayon sa salaysay sa Pasyong Mahal. Bukod sa mga prusisyon ng Miyerkules Santo at Biyernes Santo, sumasama na rin sa Dakilang Prusisyon ng Pagkabuhay si Santa Veronica magmula noong Linggo ng Pentekostes 2007.
PANALANGIN* Panginoong Hesukristo, tinanggap Mo ang pagpapamalas sa Iyo ng tapat na pagmamahal ni Santa Veronica. Bilang gantimpala, itinakda Mong siya ay maalala ng mga susunod na salin-lahi sa pamamagitan ng kanyang pangalan na sumasalamin sa kanyang ginawang kagandahang-loob sa Iyo. Itulot Mong ang aming mga gawain at ang mga gawain ng mga susunod sa amin ay makatulong upang kami ay maging Iyong kawangis, at makapag-iwan sa daigdig ng bakas ng Iyong walang hanggang pag-ibig. Sa Iyo, O Hesus, na luningning ng Ama, ang lahat ng papuri at luwalhati magpasawalang hanggan. Amen.
* Halaw sa panalangin ni Papa Juan Pablo II (Via Crucis 2000, Roma).
-----
SANTA VERONICA OF CAINTA
The image of Sta. Veronica was inherited by Dominga Omaña, who became the wife of Baldomero Perez. From then on, the couple sponsored the image’s participation in the annual Week processions. When the couple died, the image’s participation stopped for four years, more or less. The image of Sta. Veronica joined the processions once again when one of the children of Baldomero and Dominga, Lino Perez, married Lumen Javier in May 1929.
The couple, Lino and Lumen continued the tradition of bringing out the image. Before, the image was shoulder-borne on an “andas”, lit with candles inside virinas. The carriers of the “andas” were friends and co-basketball players of Lino like Loge (from Barrio San Roque), Yayong Jacinto and Totoy Garcia (from Barrio Dayap), Perocle, Victorino Buisa, Dioniso “Dioneng” Cruz and Paulino “Poleng” Mariano (from the town proper). These volunteers alternated in carrying the “andas”. Lino’s wife and children, on the other had, were in charge of preparing drinks to the volunteers, when procession time came, which began on the corner of J. Buenviaje and M.L.Quezon Sts. The image continued to be procesioned until the outbreak of the second World War in 1941.
It was in the year 1942 that Cainta was burned by Japanese soldiers. One of those gutted by the fire was the Perez home on Buenviaje St. The family evacuated to Santolan, Pasig, bringing the image with them, and there they stayed for two years. After the war in 1945 Lino and Lumen’s family returned to Cainta. They strove to bring out the image again for the Holy Week. With the help of Lino’s cousin, Dra. Brigida “Binday” Omaña,, a "caro” (processional carriage) was donated from the San Juan clan (of Ibayo).
The yearly Lenten outing of Santa Veronica was made possible through the combined efforts of Lumen and her surviving children (Lolita, Leticia, Lino Jr., Lorando, Lydua, lamberto, Liwanag, Lilia, Leila, Lorna and Luzviminda) It was also a chance for the Perezes to be together. Aside from the relatives, assorted devotees (like the pullers of the carriage) got to see and socialize with each other. The usual activities that go with the santo’s Holy Week participation include: the “Pabasa” (reading of the book depicting Christ’s passion) every Maundy Thursday, the giving away of customized T-shirts and the offering of “caridad” (charity) to family relatives and devotees. The preparation of the image is now under the supervision of one of Lumen’s grandchildren, Michael delos Reyes.
The image of Santa Veronica is seen holding a cloth (“birang”) imprinted with the tortured face of the Lord. On Holy Wednesday, only one face is seen. Come Good Friday, the image now holds a cloth with three facial imprints of Christ, as narrated in the Pasyong Mahal (Holy Passion). Other than the Holy Wednesday and Good Friday processions, the image also joins the great procession of the Resurrection since the Pentecost Week of 2007.
(MICHAEL P. DE LOS REYES is an educator, a happy husband and father. He is the author of 4 books and an article: 1) Poon at Santo: ang mga Banal na Imahen ng Mahal na Araw sa Cainta (2004)2) Prusisyon: Paghahanda at Pagdiriwang (Claretian Publications, 2006), 3) Virgen ng Caliuanagan (2006)4) "Ang Simbahan ng Cainta" in Community and Service, vol. 1, no. 1 (Dec. 2006).5) Poon at Santo: Kuwaresma at Paskuwa (2009. He also revised the novena to Our Lady of Light, Patroness of Cainta (2007), the novena to St. John the Baptist (2008, and the novena to Santa Marta, Patroness of Pateros (2009). Thanks, Mike for sharing this article and the pictures for this blogsite.)
Pray for us!
ReplyDelete